AJ Raval, kinontra si Cristy Fermin; muling itinanggi ang balita ng umano’y pagbubuntis niya

Nagpositibo ang sexy actress na si AJ Raval sa COVID-19 at hindi sa pagbubuntis.

Ito ang kinumpirma mismo ng aktres sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala niya sa TV5 reporter na si MJ Marfori.

 

RELATED STORIES:

Ito ay matapos maging matunog muli ang isyu ng umano’y pagkakabuntis sa kaniya ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa report ng Frontline Pilipinas, ibinahagi ng aktres na nagposiitibo siya sa COVID-19, maging ang isang kasamang artista sa pelikula.

Ito rin ang dahilan ng pagkaka-pack up ng shooting ng nasabing pelikula.

Sa naunang report ng entertainment website na pep.ph, ibinalita ang pagpapatigil umano sa shooting ng pelikulang Us X Her ng Viva Films.

Nangyari ang sinasabing pagpapahinto ng shooting noong Martes, July 19.

Ayon sa report, si AJ daw mismo ang nagpatigil ng shooting nila sa pelikulang pinagbibidahan niya at nina Kiko Estrada at Angeli Khang.

Hindi naging malinaw kung ano ang dahilan ng pagpapatigil ng shooting.

Taliwas ito sa kumpirmasyon mismo ng aktres na natigil ang shooting dahil nga sa pagkakaroon niya ng COBID-19 pati na ang isang kapwa-artista.

Muli ring nilinaw ng sexy actress na walang katotohanan ang balita na umano’y nagdadalantao na siya.

Taliwas rin ito sa ibinalita ni Cristy Fermin na kinumpirma ang umano’y pagbubuntis ng aktres.

RELATED STORIES:

Sa kaniyang online show, pinanindigan ni Cristy na totoo ang kaniyang nabalitaan.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento.

“Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

Umamin umano ang sexy actress sa mismong source ni Cristy.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: