Kylie Padilla, deadma lang sa isyu ng umano’y pagkakabuntis ni Aljur Abrenica kay AJ Raval

Nananatiling tahimik ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa isyu ng umano’y pagbubuntis ni AJ Raval.

Si Aljur Abrenica na dating asawa niya ang itinuturong ama ng ipinabubuntis ng sexy actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

RELATED STORIES:

Ang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang nagsiwalat ng tungkol sa umano’y pagbubuntis ni AJ.

Aniya, isang reliable source niya ang nagsabi na si AJ mismo ang umamin tungkol sa pagbubuntis nito.

Samantala, maging si Cristy ay napansin ang pagiging tahimik ni Kylie sa isyu.

“Wala pa tayong naririnig na anumang komento mula sa kabilang kampo, kay Kylie Padilla.

“Dahil hanggang ngayon po ay kasal pa rin sila ni Aljur. Hindi pa po napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

“Nasa Switzerland naman pala itong si Kylie at nagsu-shoot ng proyekto niya.”

Kasalukuyang nasa Switzerland ang aktres para sa shooting ng pelikula nila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

RELATED STORIES:

Pakiwari ni Cristy ay hinihintay muna ni Kylie na kausapin siya ni Aljur tungkol sa isyu.

“At kung ano man ito, siguro naman ay hinihintay niya na kay Aljur magmula ang kwento.

“Hindi naman natin maaasahan na si AJ ang kanyang kakausapin. Meron bang ganun?

“Syempre, hindi agad-agad mabubuo yung communication nilang dalawa.

“Pero si Aljur, siguro, siya ang iniintay ni Kylie na magsabi ng katotohanan.”

Matatandaang sa kabila ng rebelasyon ni Cristy ay patuloy na itinatanggi ni AJ ang tungkol sa umano’y pagbubuntis niya.

Ibinahagi ng aktres na nagpositibo siya sa COVID-19 at hindi totoo ang tsismis ng pagdadalantao niya.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: