AJ Raval, ipinatigil ang shooting ng sariling pelikula dahil sa ‘medical emergency’?

Ipina-pack up umano ng sexy actress na si AJ Raval ang shooting ng kaniyang pelikulang Us X Her ng Viva Films.

Ito ay sa gitna ng usap-usapan ng umano’y pagbubuntis niya na kinumpirma ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

RELATED STORIES:

Ayon sa report ng entertainment website na pep.ph, nangyari ang sinasabing pagpapahinto ng shooting noong Martes, July 19.

Si AJ daw mismo ang nagpatigil ng shooting nila sa pelikulang pinagbibidahan niya at nina Kiko Estrada at Angeli Khang.

May bulong-bulungan umano na may ‘medical emergency’ ang sexy actress kung kaya’t pati ang schedule nila para sa July 20 ay hindi na rin matutuloy.

Mas lalo tuloy umugong ang ispekulasyon ng pagbubuntis umano niya gaya ng ibinunyag ni Cristy Fermin.

RELATED STORIES:

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang ibunyag ni Cristy sa kaniyang programa na nabuntis umano si AJ ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento.

“Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

Umamin umano ang sexy actress sa mismong source ni Cristy.

Ibinahagi rin ni Cristy ang pag-aalala niya na baka mayroong magsulsol sa dating asawa ni Aljur na si Kylie Padilla dahil hindi pa naman napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Naniniwala rin umano siya na paninindigan naman ni Aljur si AJ.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur.

“Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla.

“Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: