Kylie Padilla, maaring magdemanda dahil sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval

Matapos ang rebelasyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y pagbubuntis ng sexy actress na si AJ Raval, ibinahagi ng kolumnista ang ipinag-aalala niya sa ngayon.

Kahit hiwalay na si Aljur Abrenica na itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni AJ, ay kasal pa rin ito kay Kylie Padilla.

RELATED STORIES:

Ayon kay Cristy, ang ikinababahala umano niya ay ang mga magsusulsol kay Kylie.

Si Kylie pa rin kasi ang legal na asawa ni Aljur.

Kaya puwedeng-puwede raw kasuhan ni Kylie sina Aljur at AJ.

“‘Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking-lalaki si Aljur.

“Kaya niya ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Ang nakakanerbiyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla.

“Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”

RELATED STORIES:

“Sa pagkakaso kay Aljur damay si AJ Raval,” dagdag pa ng kolumnista.

Kamakailan nga ay ibinunyag ni Cristy ang katotohanan sa umano’y pagkakabuntis ni Aljur kay Kylie.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”

Nanindigan din siya  na totoo ang kanyang isiniwalat sapagkat hindi umano magagawa ng kanyang source na magsinungaling.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito.

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ.

“Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy.

“Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito.”

Samantala, nananatiling tahimik tungkol sa isyu sina AJ, Aljur, at maging si Kylie.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

3 thoughts on “Kylie Padilla, maaring magdemanda dahil sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval

  1. HUWAG Ng magsampa SI Kyle Ng adultry,KUNDI magsampa na LNG SYA Ng SUPORTA SA ANAK NILA DAHIL responsibilidad ito ito ni aljur at Ang issue ay gawing ground UPANG ma annull Ang kasal NILA.sa GANDA ba ni Kyle.

  2. Sa lahat po ng hiwalay sa Asawa po at legal Ang pg hihiwalay po sabi nga natin diba si Cris Aquino nga hiway ka James yap diba so anong problema or talaga po lng tabloid po lng? Sa akin po karapatan nila sumaya po yun lng po alam po ng lahat na hiwalay sila

  3. Hindi napigilan Ang higad gumulong sa sa puno na alam naman na may mga bunga na…gumapang parin kalandian at kaharutan ni adan at ni eba…Ka edukadang babae Hindi alam Ang Mali at tamang lalaki para sa kanya.Hindi makuntento sa init ng apoy at sa lamig ng hangin panira sa pamilya..Alam na kasal at may anak na pamilya.,ew kaganda mong pa namang babae pangit sabit kalang pala..talo ka parin nakikiuso ka kasi sa trending ngayon Ang mga Sabit sabit.dinungisan mo lang Ang paging sikat mong babae..indhay…edukada ka pa naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: