VIRAL: Jake Zyrus, muling bumirit mala-Charice Pempengco

Viral ngayon sa social media ang isang video ni Jake Zyrus habang kumakanta ng Love on Top ni Beyoncé.

Mabilis itong humakot ng views mula sa mga netizens na tila nasabik na muling marinig ang pagbirit ni Jake.

RELATED STORY:

Umani rin ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens na karamihan ay tila nagulat na kaya pa rin naman pala ni Jake na bumirit kagaya ng dati.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

@chasterdhaivee Jake Zyrus is on fire here. #charicepempengco #jakezyrus #charice #beyonce #loveontop #fyp #fypシ #music ♬ original sound – C H A R🎙C E

Si Jake ay nakilala sa Pilipinas at sa buong mundo bilang si Charice Pempengco na sumikat sa kaniyang mga pagbirit.

June 2013 nang inamin niya na miyembro siya ng LGBTQIA+ community at mas pinili na niya na makilala bilang Jake Zyrus.

Noong May 2021 ay naglabas siya ng saloobin tungkol sa mga umaasang ‘babalik’ pa si Charice.

“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my charice voice in my falsettos.

“Because of course you dumb*ss MF, boses ko parin yon, nag-transition lang.

“Sabi ko wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na. Pero hindi kasi bastos na talaga ang iba.

“Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman yon.

“Pero para ipangalandakan mo na “Charice is coming back” and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me.”

Ipinagtapat din niya ang nararamdaman tungkol sa mga nagsasabing may gusto pa rin nila si Charice kaysa kay Jake.

“I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong “ah oo okay lang yun. Okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong charice. Or okay lang na tanggap nila ako as Jake ”pero mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko.”

Nagpasalamat din siya noon sa mga nakaka-appreciate sa kanya bilang si Jake.

“Last note: salamat sa mga nirerespeto ang mga nagawa ko before at nagagawa ko ngayon. Salamat kung naririnig nyo charice voice ko yet naaappreciate din ang boses ko ngayon. Salamat sa mga nandyan dahil sa mga nagagawa ko ngayon.

“P*kyu naman sa mga nandyan lang dahil umaasang magga-gown ulit ako.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: