Ogie Diaz, tinalakan ang mga bashers ni Kris Aquino

“Sinasabi ng iba na si Kris Aquino parang itsura ng bungo. E ganun ho talaga.”

Ito ang naging pahayag ng talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa sitwasyon ngayon ng TV host-actress na si Kris Aquino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

RELATED STORIES:

Kaugnay ito ng ilang negatibong komento na natatanggap pa rin ni Kris sa kabila ng mga pinagdadaanan nito.

Matatandaang kamakailan ay nagbigay ng update si Kris tungkol sa kaniyang pagpapagamot sa patong-patong na karamdaman sa Amerika.

Dinagsa pa rin ito ng samu’t saring komento ng netizens na ang ilan ay halos puro negatibo ang sinasabi.

“Sinasabi ng iba na si Kris Aquino parang itsura ng bungo. E ganun ho talaga. Pag talagang bumabagsak yung immune system.

“Huwag na ho nating anuhin yun, itukso o ilait pa kay Kris. Pasalamat kayo hindi nangyari sainyo yan.

“Samantalang si Kris lahat ng kapasidad meron siya para tugunan yung kanyang karamdaman.”

“Paano pa kung magkaruon din kayo ng ganung karamdaman tapos wala kayong kapasidad para tugunan yung inyong sakit na yun.

“Kaya magpasalamat nalang kayo, kasabay nung pasasalamat yung pagdarasal natin kay Kris na sana malampasan niya lahat ng mga treatments at humaba pa ang buhay niya.” 

RELATED STORIES:

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga nagsasabing nagpapapansin lamang ang TV host-actress.

“Kayo yung naghahanap ng atensyon kasi unang una binasa niyo, problema niyo yan.

“Kung hindi niyo binasa yan, e’di hindi kayo naapektuhan.

“Nag-comment pa, o ibig sabihin nilaanan niyo ng oras so kayo ang may kasalanan ang dami dami niyong oras tapos ang ending nabu-buwisit kayo.

“Tsaka jusko unang una finallow niyo. Huwag niyong ifollow.

“Ngayon kung sasabihin niyo, hindi na-viral e… O e’di sana hindi niyo binasa…”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: