Kris Aquino, pinuna ng ilang bashers sa pagsusuot ng mamahaling alahas sa gitna ng pagpapagamot nito

Ilang araw nang laman ng balita ang tinguriang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos itong magbigay ng updates sa pagpapagamot niya sa Amerika.

Sa latest Instagram post ni Kris ay idinetalye niya ang kaniyang kalagayan maging ang pagpopositibo niya sa COVID-19 pati na rin ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Marami ang nakisimpatya sa pinagdadaanan ni Kris lalo na nga at naglabas siya ng ilang larawan at video kung saan kitang-kita ang pagkapayat niya sa kasalukuyan.

Karamihan ng nagkomento sa kalagayan ni Kris ay nag-alay ng dasal sa agarang paggaling ng TV host-actress.

Sa kabila nito, may ilan pa ring netizens na tila pilit na humanap ng maipupuna sa kaniya.

Pinansin ng ilan ang pagsusuot nito ng mga alahas, partikular na ang pearl necklace, habang nagpapagamot ito.

Hirit ng ilan, bakit sa kabila ng malubhang karamdaman ay nagsusuot pa rin ng mamahaling bagay si Kris?

RELATED STORIES:

Tila nakahanap naman ng kakampi si Kris sa katauhan ng showbiz columnist na si Lolit Solis.

Sa Instagram post nito, ay ipinagtanggol niya si Kris.

“Marami nagri react duon sa suot ni Kris Aquino na pearl necklace, Salve. Akala ng iba, bakit maysakit na, naka south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay.

“Hindi nila alam na may feng shui na nagsabi kay Kris Aquino na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas.

“Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwede absorber ng ating katawan.

“Kaya dahil naniniwala dito si Kris lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet.

“Si Kris talaga believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

6 thoughts on “Kris Aquino, pinuna ng ilang bashers sa pagsusuot ng mamahaling alahas sa gitna ng pagpapagamot nito

  1. Honestly masyado na ang mga tao. Pinapakialaman ang personal na buhay ng iba. So what? If Kris uses all her jewelries. OMG! If they are your jewelries I could understand you will be furious. But those are Kris jewelries. Naku stop na. Sarili na lang natin ang iisipin. Do not be miserable. Be happy for yourself. Huwag makialam sa ibang tao.

  2. Karapatan na ng tao king ano ang modest o maayos o swerte ba niya suotin sa loob o labas ng bahay kung ito naman ay ikakabuti ng kalooban o confidence o kung may paniniwala sya lalo at may karamdaman isa pa kung may alahas ka itatago mo lang ba gsyong maikli lang ang buhay sa mundo. Hayaan na sana natin ang tao na gawin ang gusto nya at ipag dasal na lamang natin ang ikakabuti nya. Salamat sa balita po.

  3. Praying for your fast recovery Kris…God is good and will protect you…jbe strong and be heald ,in Jesus name, Amen🙏🙏🙏

  4. Let’s just pray for her and everyone else who are sick…leave Kris Aquino to whatever makes her happy….

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: