Kris Aquino, tuloy ang paglipat ng bagong ospital para sa kaniyang gamutan?

“Hanap daw sila ngayon ng bagong ospital na paglilipatan niya.”

Ito ang ibinahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y kalagayan ni Kris Aquino.

RELATED STORIES:

Sa online show ni Cristy na Showbiz Now Na, naging paksa ulit ang kalagayan ng pagpapagamot ni Kris sa Houston, Texas.

Napag-usapan nila ng co-hosts na sina Morly Alinio at Romel Chika ang kalagayan ni Kris nang matalakay nila estado ng anak ni Anthony Taberna na si Zoe.

“Cancer free na po si Zoe Taberna, nagkakaroon naman ng problema ngayon si Kris Aquino.

“Tulad nung sinabi niya na nabasa natin, meron daw silang mga inaalala na magaganap sa Houston na nangyari nga, yung hindi nagtagumpay. Hindi nasunod.

“Hanap daw sila ngayon ng bagong ospital na paglilipatan niya.”

RELATED STORIES:

“Samantalang ang sabi niya doon sa kanyang report nung una, andun ang mga pinaka dalubhasang doktor na makatutunton sa kanyang sakit, kung saan nagmumula.

“Bakit ngayon ganito na naman? Iba na naman ang kwento.

“Hintayin po natin kung anong susunod na kwento naman na palulutangin ni Kris Aquino.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: