Kris Aquino, tinawag na ‘kulang sa pansin’ matapos magbigay ng update sa kaniyang pagpapagamot sa Amerika

Tinawag na KSP o ‘kulang sa pansin’ ng ilang netizens ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay matapos siyang magbigay ng update sa kaniyang pinagdadaanang pagpapagamot sa Amerika.

RELATED STORIES:

Matatandaang sa isang Instagram post ay ibinahagi ng TV host-actress ang estado ng kaniyang kalusugan.

“From now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok.

“Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me.

“In God’s perfect timing… 💛💛💛”

RELATED STORIES:

Bagama’t maraming tagahanga niya ang nagpasalamat sa pagbibigay niya ng updates, may ilang netizens din naman ang kumuwestiyon sa intensiyon niya sa nasabing post.

May ilan kasing nagsabi na tila hindi maganda ang timing ng pagpo-post niya lalo na at halos kasabay nito ang inagurasyon ng bagong pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Maging ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin ay nagbigay ng kaniyang komentaryo tungkol dito.

“Hindi lang po namin isinasahimpapawid, pero usapan po naming tatlo ‘yan, ‘Makita mo, sa inagurasyon, maglalabas si Kris Aquino ng kung ano nagaganap sa kanya sa Houston.”

“Kaya nagkagulatan po kami nang biglang eto na si Kris, may update na mula sa Houston, ‘di ba?”

“At saka ‘yung mga larawan niya na ginamit, Diyos ko, nakakaloka. Parang lalo pa siyang pumayat at ang mga pula-pula sa kanyang katawan, nagkalat talaga sa mukha niya. Parang grabe na ‘yung pinagdadaanan niya lalo na ‘yung pag-e-extract ng dugo sa kanya.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: