Kris Aquino, ayaw tantanan ng bashers; dapat raw mag-sorry kay BBM

Hindi pa rin tumitigil ang mga bashers ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay sa kabila ng pinagdadaanan nitong pagpapagamot sa patong-patong na mga sakit sa Amerika.

Matatandaang kamakailan ay nagbigay ang TV host-actress ng updates sa kaniyang kalagayan sa ngayon.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi nito ang estado ng kaniyang kalusugan.

RELATED STORIES:

Hindi nagustuhan ng ilang netizens, partikular na ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na natapat sa araw ng inagurasyon nito ang pagbibigay ng updates ni Kris.

Ayon sa kanila, sinadya umano ni Kris na sabayan ang araw ng inagurasyon upang magpapansin.

Ayon kay Maharlika na isang masugid na tagasuporta ni BBM, “Kris Aquino, tantanan mo na ang pagpapapansin. Maysakit ka na. Ikaw na mismo ang nag-post ng mga pictures mo na sobrang buto’t balat na ang itsura mo at parang isang bulate na lang ang hindi pa pumipirma para mawala ka na.

“Tama na ang mga pagpaparinig, wala kang dapat gawin ngayong maysakit ka na kundi ang makipagkasundo sa mga kaaway mo. Tanggalin mo na ang galit at poot sa puso mo!

“Pati ang mga anak mo, ilapit mo na sila sa mga tatay nila! Lahat ng mga taong sinaktan mo, kailangang humingi ka na ng tawad! Maawa ka kina Joshua at Bimby!”

RELATED STORIES:

“Nakakaawa ka. Napakapayat mo na! Mas maganda kung tatanggalin mo na ang galit sa puso mo para kung dumating man ang panahon na mawawala ka na, magiging payapa ka!

“Marami kang sinaktan, manghingi ka na ng tawad ngayon pa lang. Isang tawag mo lang kay Pangulong Bongbong, siguradong maiintindihan ka niya! Mababait ang pamilya, hindi ka magdadalawang-salita sa kanila.

“Naaawa ako sa mga anak mo, huwag ka muna sanang mawala, makaligtas ka sana. Pero tigilan mo na ang competition. Tama na ang labanan.”

Maging ang showbiz columnist na si Cristy Fermin ay nagbigay ng kaniyang saloobin tungkol dito.

“Naaawa kami kay Kris Aquino sa kinauwian ng kanyang pagkakasakit. Tama ang paglalarawan na kung wala lang balat na nagdidikit sa kanyang laman at buto ay literal na siyang bungo sa biglang tingin.

“Naaawa rin kami sa kanyang mga anak. Walang ibang inaasahan sina Josh at Bimby kundi siya lang dahil hindi nakakasama ng magkapatid ang kanilang mga ama.

“Pero tama ang pahayag ng mga doktor na nakakausap namin, stress-related ang sakit ni Kris, pinalalala ng pamomroblema at pag-iisip ng mga negatibo ang dinaramdam niya ngayon.

“Kailangan niyang basyuhin ang kanyang puso sa galit, poot, sama ng loob at kung anu-anong kanegahan. Walang magandang magagawa sa kanyang paggaling ang pag-iisip ng mga bagay-bagay na hindi positibo.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

7 thoughts on “Kris Aquino, ayaw tantanan ng bashers; dapat raw mag-sorry kay BBM

  1. Wag na natin siyang husgahan lahat Naman Tayo nagkamali darating din sa atin Ang ganung karamdaman magkasakit, pumayat. Ipagdarasal at patawaran na wag namang bastos at manakit sa iBang tao. My destiny death Tayo bawat Isa.Magdasal Taya at magpatawad para Masaya walang stress sa Buhay.

  2. Sa halip na patulan pa c kris hayaan nyo nlang kong ano ang mgppasaya sa knya.ganon na nga ang kalagayan ng tao.yaan nyo na.palagpasin nyo nlang…sa kalagayan nys..sa puso at isip plang mggawa na ng tao ang mgpakawala ng galit at hinanakit..wlang tayong krapatang mnghusga sa knya..tao lng din sya..kong wlang msasabing mgndang salita s a kpwa ..itikom nlang ntin ang ating bibig..bk ms mkatulong pa tyo..hindi ako fanatics ni kris..kong ako ang nsa klagayan ng mga taong ngawan nya ng mali.bk ako pa ang unang lalapit s knya.khit gano ktigas ang puso ng isang tao kpg gnyn na ang nkikita mong klagayan huhupa at huhupa ang ano mng hinanakit mo sa dibdib..sa halip ay mgpasalamat tyo sa Panginoon at wala tyo sa posisyon nya..i believe that in every pain there is a purpose..laban lng kris.God is great ..

  3. Dun po sa mga bashers at tagasuporta ni PBBM ako poy maka Marcos din solid, pero yan pong mga pang babash nyo kay Kris Aquino ay maling mali na. Malala na po ang sakit nung tao , mga bulag ba kayo , ipagpalagay na natin na kulang sa pansin eh deh pansinin o kaya kung ayaw wag pansinin sa tingin nyo mga bashers nakakatulong kayo , sa tingin nyo natutuwa si PBBM sa inyo , sya ba mismo at ang pamilya nya nagcomment man lang ba sila sa pag uupdate ni Kris Aquino. Hindi nyo ba alam na ang ginagawa ninyo ay gawain ng demonyo, bagsak n abagsak n ayung tao lalo nyo pa ibaba,, si Pangulong Bong Bong Marcos sila mismo noong inaalipusta sila hindi nga sila nagpaparamdam ng galit hindi sila gumaganti , at ngayun kayo pa na mga nagsasabi na SOLID BBM kuno ang gagawa ng mga ganyan .. Diba yan pangdodown na ganyan habnag lugmok na yung tao ay ginawa na dati ng panahon ni Cory sa pamamagitan daw ng maling balita sa media at pagbabago ng kasaysayan, diba yan ang napapanood natin bago ang eleksyon sa tiktok sa fb at kung saan saan so bakit ninyo tinutularan ay mali pala yan ganyan .. Alam nyo bago nyo sabihin na SOLID BBM kayo gawin nyong huwaran ang ugali ng taong sinasabi nyong soild kayo, dahil KUNG HINDI KAYO TITIGIL SA PAMBABASH AT PAGSASABI NG MASAMANG COMMENTO , WALA KAYONG PINAGKAIBA SA TAONG BINABASH NINYO MAS MALALA PA KAYO. Nakakahiya kayo .

  4. Tama sino tayo para humusga sa kapwa ,a g panginoon lamang ang may karapatan humatol sa tao ,kung may pagkakamali ang tao sa kapwa niya ipagdasal kaysa sisihin at husgahan sa mga mali niya tandaan lahat tayo ay nandeto pa sa lupa na pinaghaharian ng dyablo magingat,manalangin sa maykapal ang pagpapatawad dpt natin ibigay ,sa taong nagkasala kung ang taong ayaw magsisi ipagpray kay Lord walang impossible sa kanya kaysa maghusga ka na ikaw din nmn ay makasalanan,GOD BLESS EVERYONE.

  5. Nakakalungkot Ang sinapit mo po,pero May loving God bless and heal you Ms Cris Aquino,in Jesus name🙏🙏🙏.sa lahat po ng basher Sana pagdasal nalang po natin Ang bawat Isa,Lalo na sa lahat nang may pinagdaraanang matindi ngayon…sobrang hirap na po ng tao..tama na po Ang mga negative comment nyo🙏🙏🙏🙏🙏

  6. Kala nyo kung sinu kyo nawalangbahid dungis kung makg husga. May kasabihan kpag nang husga ka it means to hinusgahan mo na rin ang sarili mo bkit wala ba kyokg ngawang kasalanan. Hindi ako avid fan ni kris pero ang masasabi ko ay ipag pray na lang sya. Ang “GOD” lang ang pwedeng hemusga sa kanya hnd kyo dahil hahasap rin kyo sa dyos in due time para husgahan rin kyo. HAVE AGOOD HEART DON’T JUDGE YOUR TIME WILL COME ALSO AND ASK WHAT YOU DID IN YOUR LIFE IN TME OF JUDGEMENT. We will face GOD in due time where we will JUDGE BY “GOD”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: