Judy Ann Santos, sinabihang di marunong dumiskarte; netizens, nag-react

Nag-react ang ilang netizens matapos masabihan na hindi marunong dumiskarte ang Kapamilya actress na si Judy Ann Santos.

Nanggaling ang pahayag kay Pebbles Cunanan, isang dating contestant sa show ni Judy Ann na MasterChef Pinoy Edition.

Sa isang episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay kung saan guest co-host si Judy Ann, ibinahagi niya ang dahilan ng paghinto sa paggawa ng cooking vlogs sa YouTube channel niya.

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.

“Ayokong hindi maka-relate yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman.

“Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘luto ka nang luto, di naman namin magagawa ‘yan.’”

Sa isang Facebook post, nagbigay ng kaniyang reaksiyon si Pebbles.

“Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….

“Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal yan ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puede mong gamiting ingredients sa pagluluto.

“Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzz

“Tabehhhhh…..turuan kita…bet mo….aaay magaling ako magluto nohhh.”

Nag-react naman ang ilang netizens sa nasabing pahayag.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Quality is one of the reason why mahirap dumiskarte,anyway kahit naman Culinary si Juday in her youtube channel she use easy to find ingredients pero wala eh inflation, mahal talaga bilihin. Wala namang sinisiraan si Juday sa opinion niya bakit napunta sa politics yung argument”

“Ano naman kinalaman ni Atty. Leni?  Obsessed pa din”

“Daming tahol ni Pebbles gusto ata maging kusinero sa Malacañang”

“kung maka supalpal naman ‘tong si Pebbles, kala mo naman talaga naging grand winner. Kwento mo nga muna  teh kung paano ka natalo sa Master Chef Philippines”

“Hmm. Pait ni Pebbles. Hahaha. If concern ni Juday kumita, susundin ka nya. Kaso, sya may following, si Pebbles wala. At mas sensitive sya sa content nya na hindi maging pretentious just to earn dividends sa channel nya. So, who needs who?”

“Si Juday may-ari ng vlog nya kaya sya bahala sa content. Huwag natin paki-alamanan.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: