LOLIT VS. CRISTY? Lolit, tinawag na ‘bobita’ si Ella Cruz; Cristy, kumontra

Magkasalungat ang naging opinyon ng mga batikang showbiz columnist na sina Lolit Solis at Cristy Fermin tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ng aktres na si Ella Cruz.

Matatandang naging usap-usapan kamakailan sa social media ang binitwang pahayag ng aktres tungkol sa kasaysayan.

Inihalintulad kasi niya ang history sa tsismis.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history.

“Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga.

“As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

RELATED STORY:

Umani ang nasabing pahayag ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Maging ang mga kapwa aktres ni Ella gaya nina Pokwang at Agot Isidro ay nagbigay ng reaksiyon tungkol dito.

Naging maanghang din ang pahayag ni Lolit Solis tungkol dito.

“Bilib ako sa utak niya. Isa siyang walang kakuwenta-kuwentang starlet na ngayon ay pinag-uusapan na.

“Nag-react ang lahat dahil hindi mo akalaing may isa palang bobitang ganito kabobong tao.”

Samantala, tila naman nakahanap ng kakampi si Ella sa katauhan ni Cristy Fermin.

”Wala akong nakikitang masama dito.

“Ang ganda naman ng pagkasabi ni Ella, ‘di ba?

Minsan may tinatanggal, minsan may idinadagdag at depende po sa pananaw ng nagbibigay ng interpretasyon kung may bias o wala.”

Palaisipan tuloy sa netizens ang makasalungat na opinyon ng dalawa sapagkat kilala sila bilang magkaibigan.

Dati ring magkasama ang dalawa sa kanilang online show bago sila naghiwalay at nagkaroon ng kani-kaniyang online shows.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens (published as is).

”Friendship over na ba dahil kay Ella? Lol”

”First time yatang magkakontra ang dalawang lider ng mga Marites. Hahaha”

”Agree ako kay Lolit. Ang sakit ng mga binitawan niyang salita. Hahaha”

”Well, what do you expect from Cristy?”

”Pinanindigan ni Cristy ang pagiging chismosa.”

”First time ko yata na sasang-ayon kay Lolit.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: