Lolit Solis, may bagong banat kay Bea Alonzo: “Feeling high and mighty ka”

Sa isang Instagram post, may bagong tirada na naman ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Tila hindi pa rin ito tapos sa sunod-sunod na banat sa aktres.

Matatandaang kamakailan lamang ay inokray niya ang umano’y pagiging hindi bagay ni Bea kay Alden Richards na katambal nito sa isang bagong teleserye sa GMA-7.

Ani Lolit, hindi raw umano siya kikiligin sa dalawa dahil mukha nang tita ni Alden si Bea.

At ngayon nga, sa isang panibagong post ay may bagong banat ang kolumnista sa aktres.

“Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7.

“Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista.

“Baka mag power play at sabihin hindi siya pupunta kung nanduon tayo kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Naku Bea iyan power play mo na nagpapa cancel ng invited writers sa presscon luma ng style ng mga nalaos at walang career na artista.

“Sana mas maganda kung tipo na ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo mga invited guests.

“Pero iyon hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag aalis ng writers, bongga !

“Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar.

“Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim.

”Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao.

Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami.”

Sa kabila ng paulit-ulit na talak ng kolumnista laban sa kaniya, nananatiling tahimik si Bea tungkol sa issue.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

3 thoughts on “Lolit Solis, may bagong banat kay Bea Alonzo: “Feeling high and mighty ka”

  1. Tama lng na di ka pumatol Ms.Bea,dyan nakikita ang isang taong breeding.hindi pumapatol sa mga nang iintriga just like BBM,may respeto sa sarili,d binaba ang sarili sa mga taong mas mababa sa kanya,d pumapatol sa bashing sa kanya kahit anong sakit.yan ang tunay na Kristyano,d basagulera,d pumapatol sa gulo.hayaan mo na lng ang matandang ito sa bashing nya sayo kasi yan lng siya kumikita,dahil sikat ka kaya alam niyang maraming magbabasa ng column niya kapag ikaw ang topic,magand aman o mabuti ang nilalaman.
    God bless you Ms.Bea Alonzo😘❤️🌈🙏🙏🙏

  2. Hahah nagsalita ang mas mdaming wrinkles..pwwde ba manahimik na lng kung walang magawa just thank God we’re all still kicking miss lolit Solis 🤔🤨

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: