Bea Alonzo, mas mukhang nanay kaysa kay Marian Rivera, ayon kay Lolit Solis

Hindi pa rin tapos ang showbiz columist na si Lolit Solis sa pagtira nito laban sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa isang panibagong post sa Instagram ay mayroon na naman itong patutsada sa aktres.

Sa pagkakataong ito ay pinagkumpara ni Lolit sina Bea at Marian Rivera.

“Nagtataka ako Salve kung bakit 2 na anak ni Marian Rivera, pero parang mas mukhang nanay si Bea Alonzo.

“Dahil kaya mas alaga ng Kamiseta Skin ni Cris Roque si Marian Rivera dahil mas effective itong endorser kesa kay Bea?

“Saka bakit ganuon, nag breast feed pa si Marian pero sabi ni Leo Espinosa parang ang mukhang mas lawlaw ang bo*bs si Bea Alonzo.”

Tinawag din nitong losyang si Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Ano kaya ang dahilan at mukhang losyang si Bea Salve at Gorgy.

“Dahil kaya masyado siyang power tripper at iyon bitterness niya sa buhay apektado ang physical looks niya kaya ganuon .

“Dahil siyempre wala siyang Dingdong Dantes at dalawang magandang anak, baka meron siyang jealousy na nadarama kay Marian at siyang dahilan kung bakit meron siyang negative aura hindi kaya?

“Nuon kasi na hindi pa alam ng tao na may ugali pala mamili at magpa cancel ni Bea ng mga writers na ayaw niya, tingin mo sa kanya parang anghel na ang ganda at very sweet.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Nagkaruon lang ng panahon pag aralan mabuti ang tunay na ugali niya ng hayun, namimili na siya ng invited guest, at power tripping na inaalis sa listahan pati mga invited ng producer.

“Bigla nakita ang dark side ni Bea Alonzo, at ngayon bawas ganda na siya kaya nakikita mo na mga wrinkles pati ang push up breast.”

Sa kanila ng mga patuloy na tiradang ito laban kay Bea, nananatili namang tahimik at dedma lang ang aktres dito.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

2 thoughts on “Bea Alonzo, mas mukhang nanay kaysa kay Marian Rivera, ayon kay Lolit Solis

  1. Naku Bea bakit parang di ka nman welcome sa GMA panay ang pag sira sa u ni lolit solis pero parang wlang action ang GMA. Dapat kastiguhin yan siLolit tumanda na pero bastos pa din. Balik ka n lang sa ABS doon welcome ka sa mga BIG BOSS. Di ka binabastos.

  2. Mga Kawikaan 15:2 “ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan”.

    Mga Kawikaan 15:7 “Ang labi ng may unawa nagkakalat ng karunungan, ngunit hindi ganoon ang hangad ng mangmang”.

    Pagpapalain ka nawa ng Panginoon, Lolit na gamitin mo ang dila mo sa kapurihan Niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: