Larawan ng ‘Eat Bulaga!’ hosts, bakit nga ba nag-viral?

Naging usap-usapan sa social media ang isang larawan ng mga hosts ng GMA-7 noontime show na ‘Eat Bulaga!’ kamakailan.

Nag-post sa Instagram ang GMA-7 news anchor na si Mariz Umali matapos siyang mag-guest sa nasabing noontime show.

Kasama niya sa larawan na kuha sa backstage ang mga hosts na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, at Maja Salvador.

Naging mabilis ang mga mata ng netizens nang mapansin nila ang telebisyon na nasa background ng mga hosts.

Napansin nila na naka-tune in ang nasabing telebisyon sa A2Z Channel 11 kung saan ang kalabang programa na ‘It’s Showtime’ ang kasalukuyang ipinapalabas noon.

Agad na dinagsa ng iba’t ibang komento ang nasabing larawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: