“Kung yan ang basehan ng mukha ng pagiging maganda, mas okay na ata maging pangit.”
Ito ang laman ng Facebook post ni dating COMELEC commisioner Rowena Guanzon.
RELATED STORIES:
- Juliana Parizcova Segovia, may banat kay Cong. Rowena Guanzon?
- Ruffa Gutierrez at Cong. Rowena Guanzon, may patutsada sa isa’t isa?
- Annabelle Rama at Cong. Rowena Guanzon, may ‘bardagulan’ nga ba sa social media?
Ibinahagi ni Cong. Guanzon ang post ng isang Facebook page kung saan naka-share ang screenshot ng post ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.
Sa nasabing post ni Juliana, tinawag nitong pangit ang isang “zerowena.”
Naging usap-usapan sa social media si Cong. Guanzon sa gitna ng isyu ng umano’y pagpapalayas ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa dalawang kasambahay nito.
Direkta niyang pinangalanan at tinanong ang aktres sa isang tweet.
Sinagot din naman ito ng aktres at itinanggi ang alegasyon.
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily