Lolit Solis kay Bea Alonzo: “Tandaan mo, 2 beses ka na-ghosting ni Gerald!”

Patuloy pa rin ang patutsada ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa isang panibagong Instagram post ay muli na namang binanatan ng kolumnista ang aktres.

Nilinaw ni Lolit na wala naman talaga silang away ng aktres.

“Tawang tawa naman ako sa mga nagtatanong kung bakit daw may gap kami ni Bea Alonzo, Salve.

“Wala kami away dahil never ko pa siyang nakita in person.

“Hindi kami magkakilala, kaya dapat wala kami maging issue.”

“Nagsimula lang iyan ng nag IG ako na hindi bagay sa kanya ang role sa Start Up na bagong graduate kaya hirap makakita ng trabaho dahil dapat medyo younger sana ang gumanap na star sa role.”

Ang tinutukoy ni Lolit na Start Up ay ang GMA-7 series na pagsasamahan nina Bea at Alden Richards.

“Patola ang kampo ni Bea Alonzo na nag react, personal ang naging basa sa ginawa kong comment.

“At duon na nag simula ang sagutan. Hanggang tuloy tuloy na at naging petty na.

“Iyan ang mahirap pag lahat na lang pinapatulan, dapat basahin mabuti at gamitin sng comprehension mo para maintindihan ang ibig sabihin ng comment.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Ngayon, tutal naman feeling ni Bea Alonzo non entity ako, at kahit ano ang sabihin o isulat mananatili siyang mega star of all season, Ok lang.

“Ayaw niya makita ako sa mga presscon niya, ok lang, kainin niya food na para sa akin, idagdag niya enve sa TF niya, pasado parin.

“Ayaw niya ako makita sa mga pupuntahan niya, go, walang problema.

“Lahat ng hiling ni Bea Alonzo pagbigyan ko, dahil baka malay ko, abutin siya ng 100 years old na sikat parin, ano laban ko duon di ba!

“So Bea Alonzo, ikaw na, talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka, saludo na ako sa powers mo, pero tandaan mo, 2 beses kang na ghosting ni Gerald Anderson, so meaning, kulang parin ang ganda at powers, wala parin nagawa ng iwanan ka. Huh huh huh !!!😂”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: