Kris Aquino, nagiging mataray at reklamador sa mga doktor niya sa Amerika?

Nagiging mataray at reklamador na nga ba ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga doktor nito sa Houston, Texas?

Isa ito sa mga napag-usapan sa programang Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Morly Alinio, at ng guest host nila na si Wendell Alvarez.

RELATED STORIES:

Ayon sa nakalap nilang balita, nagiging reklamador na umano si Kris sa mga doktor nito sa Amerika kung saan siya namamalagi ngayon at nagpapagamot.

Sabi naman ni Cristy ay hindi na raw ito bago dahil kahit na noong nasa Pilipinas pa raw ito ay marami na rin itong reklamo.

“Ngayon po, unti-unti nang naglalabasan yung si Kris daw po kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra.

“Kinukuwestyon kung para sa’n ‘yon, para kanino, bakit. Natural lamang po ‘yon. Katawan naman niya ‘yon. Pero ‘di ba ang mga doktor, nao-offend naman kapag gano’n.”

Dagdag naman ni Morly, “Parang naiinsulto ang mga doktor dahil alam nila kung ano ang gagawin at ilalagay sa’yo. Hindi ka na kailangang magtanong, Ate Cristy, kasi nasa ospital ka na eh. Pumirma ka na doon.” 

Para kay Cristy, tama lang naman daw kung tanungin ni Kris kung ano ang mga gamot na inilalagay ng mga doktor sa kaniyang katawan ngunit dapat raw ay may limitasyon at hangganan ito.

RELATED STORIES:

Dagdag pa ni Morly, “Yung pagiging nice mo ay sana nailabas mo na doon. Hindi yung parang ‘Oh, what is that.?’, ‘What is the purpose of that?’ parang ganyan na nagsusungit. Dapat kapag may sakit ka, ikaw na yung pinakamabait sa lahat, kasi may sakit nga eh.”

Base rin umano sa mga naririnig niya ay karamihan raw sa mga doktor ni Kris ay naiirita na sa kaniya.

“Pero parang ang dating kasi Ate Cristy parang… sana maging nice siya. Maging nice siya sa lahat ng mga doktor doon, na huwag na siyang magtaray, na Kris Aquino ka, na ikaw ay anak ng dating presidente, tama na kasi may sakit ka.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: