Kris Aquino, pumalpak ang gamutan sa US kaya lilipat ng Singapore?

Tuluyan na nga bang pumalpak ang pagpapagamot ni Kris Aquino sa Houston, Texas?

May panibagong impormasyon na naman kasing ibinahagi si Cristy Fermin sa kaniyang programang Showbiz Now Na tungkol sa TV host-actress.

RELATED STORIES:

Ibinahagi ni Cristy at ng kaniyang mga co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio, na palipad na ng Singapore si Kris para doon ituloy ang pagpapagamot.

“Mayroon na namang bagong nagpadala sa atin ng impormante o impormasyon.

“Yung effort po na ipinadadala ninyo sa amin, ‘yung pagtitiwala na ibinibigay ninyo sa amin sobra pa po sa sapat ‘yun maraming salamat po, mga kababayan natin.”

“Si Kris Aquino raw po nu’ng dumating sa Houston ay diretso raw po sa Baylor St. Lukes Medical Hospital (Houston, Texas).

“At ‘yung inilabas daw po naming address doon sa botelya nga ng gamot para sa COVID ni Josh, totoo po ‘yun. Napakalalaki raw po ng mga mansyon sa hilera na ‘yun. Kung baka dito, millionaires row.”

“Nagkalat talaga ang ‘Marites’ sa buong mundo at dito lang sa SNN nila ipinadadala dahil wala naman akong napapanood na ibang vlog galing doon, eh.

“At ito po sa kabila ng balita na lilipat na raw po ng Singapore sa kanyang pagpapagamot si Kris Aquino, ‘yun ang pinakabago.”

RELATED STORIES:

”Kasi raw lahat ng inaasahan doon sa hospital sa Houston hindi raw nasunod, siguro maaring may mga protocol, maaring may mga schedule, maaring in how many days matutunton dapat ang ganito o ganyan hindi raw na-meet up ‘yun.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: