Herlene Budol, humakot ng awards sa Binibining Pilipinas 2022; humataw sa Q&A

Hindi nagpakabog ang TV host at social media personality na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ sa katatapos na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.

Si Herlene ang itinanghal na First Runner-Up sa finals night kagabi, July 31.

RELATED STORIES:

Maliban dito, pitong special awards din ang nahakot ng TV host-vlogger.

Narito ang listahan ng mga nasabing awards.

  • Manila Bulletin Readers’ Choice Award
  • Binibining Shein
  • Binibining Pizza Hut 2022
  • Binibining Kumu
  • JAG Queen
  • Binibining Silka
  • Binibining World Balance

Hinangaan din siya sa Q&A portion kung saan sumagot siya gamit ang wikang Filipino.

Ang tanong sa kaniya ay:

“A beauty pageant is a place of transformation. What was the most important transformation that has happened to you while you were at Binibining Pilipinas?”

(Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sayo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?)

Narito naman ang kabuuan ng kaniyang sagot.

“Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap.

“Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon.

“Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: