Direk Bobet Vidanes, walang problema sa pagsasanib-puwersa ng ‘LOL’ at ‘It’s Showtime’?

Hinihintay ng netizens ang reaksiyon ni Direk Bobet Vidanes sa pagsasanib-puwersa ng It’s Showtime ng ABS-CBN at Lunch Out Loud (LOL) ng TV5.

Si Direk Bobet ang creator at dating direktor ng It’s Showtime at ang LOL naman ang kasalukuyan niyang show mula nang lumipat siya ng network.

RELATED STORIES:

Pormal na kasing inianunsiyo ng dalawang networks na simula sa Sabado, July 16, ay back-to-back na ang pag-eere ng dalawang noontime shows sa TV5, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, at iba pang ABS-CBN platforms.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pag-alis ni Direk Bobet noon sa It’s Showtime para maging creative director ng katapat na programa.

Sa isang interview noon, sinabi pa niya na ‘toxic’ na ang pagtatrabaho niya sa Kapamilya network kung kaya’t nagdesisyon siyang umalis na at lumipat.

RELATED STORIES:

Kaya naman ngayong back-to-back na ang dalawang dating magkalaban na noontime shows, ang tanong ng ilang netizens ay kung ano ang naging reaksiyon dito ni Direk Bobet.

Ayon sa report ng entertainment website na pep.ph, isang taong malapit umano kay Direk Bobet ang nagsabing hindi umano ito problema sa direktor.

Aniya, “Alam naman ni Direk Bobet na maganda na ang bawat isa ay magtulungan para maging matagumpay ang isang show kahit saan network ka nagtatrabaho.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: