‘Pang-ookray’ noon ni Miss Manila 2020 kay Herlene ‘Hipon’ Budol, binalikan ng netizens

Binalikan ng netizens ang lumang video kung saan tila nagkainitan sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon at Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon.

Nangyari ito nang maging guest sa GMA-7 show na Wowowin si Alexandra.

Co-host noon ng nasabing programa si Herlene.

Sa nasabing video, sinabi ni Alexandra na kahit mismong ang ina ni Herlene ang magpa-pageant ay siguradong hindi ito qualified.

Sinabi rin niya na pagdating sa qualifications o standards ay medyo ‘tagilid’ si Hipon.

Bagama’t tila scripted ang nasabing sagutan ay mukhang sineryoso ito ng ilang manonood partikular na ng mga tagasuporta ni Hipon.

Panoorin ang kabuuan ng nasabing video dito.

At ngayon nga na isa nang official candidate si Hipon sa Binibining Pilipinas 2022 ay tila naalala ng mga tagasuporta niya ang nasabing video.

Tila napatunayan kasi ni Hipon na qualified naman siya sa pagsali sa beauty pageant taliwas sa ‘pang-ookray’ na natanggap nito noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Muling ibinahagi ng netizens sa social media ang nasabing video kasama na rin ang ilang komento.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Nasaan na si Miss Manila ngayon?”

“Yes! Pinatunayan ni Hipon na qualified na qualified siya at mananalo siya di kagaya ni Miss Manila.”

“Scripted lang naman yata noon yung sagutan nila. Para lang sa ratings ng show.”

“Hu u ka ngayon Miss Manila! Hahahaha”

“Na kay Herlene Hipon ang huling halakhak!”

“Yan ang hirap sa echosera, bumalik kay Miss Manila ang mga sinabi niya noon.”

“Ano kayang feeling na nanonood si Miss Manila sa tagumpay ni Herlene ngayon?”

“Kaya ingat ingat rin tayo sa binibitiwan nating salita.”

“Sana manalo si Hipon para mas masaya. Haha!”

“Papatunayan ni Hipon na kayang magtagumpay ng mga kagaya niyang pinagtatawanan lang noon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: