Herlene “Hipon” Budol, hinangaan ng netizens sa kaniyang transformation

Naging sentro ng usap-usapan ng mga netizens ang naging transformation ng dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Herlene Budol na mas kilala bilang “Hipon Girl”.

Napabilang si Herlene sa mga official candidates para sa Binibining Pilipinas 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sa mga larawan na ipinost ni Herlene sa kaniyang social media account, kapansin-pansin ang naging transformation niya ngayon mula sa noo’y pagiging kikay na kinagiliwan ng manonood ng GMA-7 show.

Kaiba sa nakasanayan ng publiko na pagiging simple niya, lumutang ang pagiging sopistikada niya sa nasabing mga larawan.

Sa kaniyang Instagram post, muling ipinakita ni Herlena ang kaniyang pagiging kikay.

Aniya sa caption:

“Hipon, Sugpo, Suahe,Hibe. Ano man itawag nyo sa akin, Once a Hipon always a Hip🦐n!!

“Ako nga pala si Binibini #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan “Huwag po tayo mag tulukan dahil indi pa nag bubukas ang pintuan ng train”
And i…..Hip🦐n!!”

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya lalo na sa bagong landas na pinili niyang tahakin sa kasalukuyan.

Agad namang inulan ng positibong komento ang nasabing post.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Go, girl! Suportado ka ng mga Hiponatics at mga ka-squammy mo!”

”Wow! Halos di ko na siya makilala ah. Dati nang maganda, mas gumanda pang lalo ngayon.”

”Go, girl! Get that crown. Deserve mo yan!”

”Si Hipon ang nagpapatunay na kapag determinado ka sa isang bagay at ginusto mo ito, walang imposible.”

”Goodluck, Hipon! I’ll be praying for your success.”

”Maging inspirasyon ka sana ng mga kababaihang nangangarap din ng ganyan.”

”Oh, pak! Kabugin mo silang lahat! Kaya mo yan!”

”For sure, proud na proud sa ‘yo si Kuya Will!”

”Lumitaw lalo ang ganda mo.”

”Ilaban mo ang question and answer, girl! Patunayan mong hindi lang sa mga sosyal ang beauty pageants.”

“Nasan na si Miss Manila last year? Kung ano-anong sinasabi nun kay Hipon ah. Nganga ka ngayon, girl!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: