Herlene Nicole Budol, hinangaan sa paggamit ng wikang Filipino sa Binibining Pilipinas 2022

Umani ng papuri mula sa netizens at viewers ang TV host at YouTube personality na si Herlene Nicole Budol na mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022.

Sa Question and Answer portion kasi nito ay mas pinili ni Herlene na sumagot gamit ang wikang Filipino.

RELATED STORIES:

Ang naging tanong sa kaniya ay:

“A beauty pageant is a place of transformation. What was the most important transformation that has happened to you while you were at Binibining Pilipinas?”

(Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sayo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?)

Narito naman ang kabuuan ng kaniyang sagot.

“Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap.

“Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon.

“Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission.”

Dahil sa paggamit niya ng Filipino na hindi naman madalas ginagamit sa national beauty pageants, hinangaan si Herlene ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Maliban sa pagiging First Runner-Up, nakakuha rin si Herlene ng pitong special awards.

Narito ang listahan ng mga nasabing awards.

  • Manila Bulletin Readers’ Choice Award
  • Binibining Shein
  • Binibining Pizza Hut 2022
  • Binibining Kumu
  • JAG Queen
  • Binibining Silka
  • Binibining World Balance

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: