‘Pagsusuplada’ ni Anne Curtis, huli sa camera; Vice Ganda, napa-react

Viral ngayon sa social media ang isang 2-second video clip ng TV host-actress na si Anne Curtis.

Kuha ang nasabing eksena sa isang segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Sabado, May 28.

Matatandaang bumalik na si Anne bilang isa sa mga main hosts ng programa matapos siyang mamahinga ng mahigit dalawang taon.

Kinaaliwan ng netizens ang nasabing video clip dahil nahuli ng camera ang tila pagsusuplada nitong tingin.

Sa tweet ng isang netizen, ibinahagi niya ang 2-second clip at nilagyan ng caption na “a new Anne Curtis meme was born.”

Maging ang co-host nitong si Vice Ganda ay ini-retweet ang nasabing video kasama ang isang tanong kay Anne.

“Inaano ka ba nung contestant @annecurtissmith???”

Hindi naman naging malinaw kung ano ang eksaktong nangyayari sa programa nang makuhanan ang nasabing eksena.

Maging si Anne mismo ay ini-retweet ang nasabing video at nilagyan ng caption na “Hahahahahaha 😅.”

Mabilis na nakahakot ng atensiyon ng netizens ang nasabing video.

As of this writing, mayroon na itong 1.1 million views.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Parang nahusgahan na agad ang buong pagkatao ko sa loob ng dalawang segundo. Hahaha!”

“Ang class pa rin ng pagkakatingin nya.”

“Huli ka! Ano kayang iniisip nya dyan? Haha”

“I can buy you, your friends, and this club! Ganern!”

“Aliw si Anne! Parang lumilipad ang isip nya dyan. Hahaha”

“Ano kayang nakita niya? Share mo naman, Anne.”

“Kaya na-miss ka namin Anne eh. Mga ganyang moments. Haha”

“Iba talaga ang isang Anne Curtis. Welcome back!”

“Ang daming trending moments sa pagbabalik mo. Na-miss ka namin!”

“Ang ganda niya talaga. Kahit na ganyang ang seryoso niya, lutang pa rin ang ganda.”

“Kung ako ang tiningnan ng ganyan, baka naiyak na lang ako. Hahahaha”

“Ganyan ang itsura ko kapag may kaaway ako na pinagmamalditahan. Hehe”

“Ang classy ng pagkakatingin nya. Haha”

“Eto yung hindi ka maiinis kahit na magtaray sya. Haha”

“Scanning humanity in 2 seconds. HAHAHAHA”

“Pak! Ang ganda pa rin!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: