Jinkee Pacquiao, nagmaldita umano sa ilang Pinoy sa ibang bansa?

Gaano katotoo ang balita na nagmaldita umano sa ilang Pinoy ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao?

Sa show ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, isa sa napag-usapan nila ang sinasabing pagmamaldita ng misis ng Pambansang Kamao.

RELATED STORIES:

Tinanong si Cristy ng co-host nitong si Romel Chika.

“Jusko ang Jinkee Pacquiao daw, nanay, nagmaldita raw sa abroad, sa ilang Pinoy sa abroad. Ano ba itong pagmamaldita niyang ginawa?”

Ito naman ang nilinaw ni Cristy.

“Hindi, kasi ganito yan, nasa Los Angeles siya ngayon.

“Dahil yung anak niyang si Jimuel, dun na naninirahan, dun nangangarap maging tatay niya, fumo-focus sa boxing.

“Ang punto diyan ng mga Pinoy, yun bang, dahil celebrity ka eh, dapat marunong kang makisama at makitungo.”

“Alam mo, Romel, ito, sa akin ‘to, pananaw ko ‘to.

“Ang kagandahan ni Jinkee Pacquiao, maano, paano ko bang sasabihin?

“Hindi malambot ang kagandahan. Napakatigas.

“Kung wala nga siyang pampaganda? Kung hindi siya nagpapasalamat sa doktor, mukhang buruka ‘tong babaeng ‘to eh.

“Eh matigas na nga ang ganda mo, sisimangot-mangot ka pa, iirap-irapan mo pa yung mga tao? Ano na ang sasabihin sa’yo?” 

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: