Biglaang pagpanaw ni Mahal, nahulaan nga ba ni Rudy Baldwin?

Nagulantang ang mundo ng showbiz sa bigalaang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal.

Pumanaw si Mahal o Noeme Tesoro sa totoong buhay sa edad na 46 noong August 31.

Sa gitna ng balitang pagpanaw nito ay ang paglutang muli ng pangalan ng kilalang Pinoy psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ilang netizens kasi ang nakaalala sa mga pangitain ni Baldwin na ipinost nito sa kanyang official Facebook page noong nakaraang buwan.

Ayon sa post, may dalawang komedyante na magpapaalam sa mundo.

Isa umano rito ay isang legend sa pagpapatawa.

Narito ang isang bahagi ng nasabing post:

“DALAWANG COMEDIAN ANG NAKIKITA KO NA MAGPAPAALAM SA MUNDO NATIN.ANG ISA AY ISANG LEGEND SA MUNDO NG SHOWBIZ SA PAG PAPATAWA .DALAWANG KOMEDYANTI ITO NA  KARAMDAMAN ANG DAHILAN NG PAGKASAWI.”

Ayon nga sa mga ulat ay komplikasyon sa C0VID-19 ang ikinasawi ni Mahal.

Hindi tuloy naiwasan ng ilang netizens na tukuyin na maaaring si Mahal nga ang tinutukoy ni Baldwin sa kanyang pangitain.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng netizens kaugnay ng pagpanaw ni Mahal at sa pangitain ni Baldwin.

Basahin dito ang kabuuan ng post ng sikat na psychic.

“HUWAG KAYONG MAGLAGAY NG  PANGALAN BIGYAN NG RESPITO BAWAT ISA .JULY 26:2021HINDI NA AKO MAGLAGAY NG BILANG NG LIKES AT FOLLOWERS .TANDAAN NYO NALANG NA ANG PAGE KO AY ISA LANG NA ME BLUE CHECK .INAAYOS KUNA ANG MGA GUMAMET NG NAME AT PIC KO NA MGA FAKE PAGE.ULITI  KO ISA LANG ANG PAGE KO NA ME BLUE CHECK.

“SHOWBIZ VISION.DALAWANG COMEDIAN ANG NAKIKITA KO NA MAGPAPAALAM SA MUNDO NATIN.ANG ISA AY ISANG LEGEND SA MUNDO NG SHOWBIZ SA PAG PAPATAWA .DALAWANG KOMEDYANTI ITO NA  KARAMDAMAN ANG DAHILAN NG PAGKASAWI.

“DALAWANG DIRECTOR ANG ISA AY SA  PAG BROADCAST O SHOW ANG GINAGAMPANAN  AT ANG ISA AY SA  PAGGAWA NG MGA  PELIKULA ANG MAGPAPAALAM SA MUNDO NATIN.

“LEGEND ACTRESS AT ACTOR ANG MAG PAPAALAM AT LISANIN ANG MUNDO NATIN.ANG ACTOR AY HINAHANGAAN SA KAHIT NA ANUMANG ANGULO PAGDATING SA PELIKULA AT ANG ACTRESS AY ISA AKO SA MGA TAGAHANGA NYA SA SOBRANG GALING NITO SA PAG ACTING MA DRAMA MAN O ACTION AT SA PAGPATAWA.

“ISANG SINGER AT MAGALING NA MANG AAWIT ANG BIGLAANG PAGLISAN NITO .BAGONG SINGER LANG ITO NGUNIT ANG KANYANG MGA AWITIN AY TUMATATAK SA LIPUNAN .MARAMING NABIGLA SA PAGLISAN NYA.

“ME DALAWANG BETERANA NA MANG AAWIT ANG BIGLAANG PAGLISAN SA MUNDO NATIN.

PAHALAGAHAN ANG BAWAT KALUSUGAN NATIN DAHIL ISA LANG ANG BUHAY NA MERON TAYO.PAG INGATAN ANG BAWAT GALAW NATIN UPANG ANG AKSIDENTI AY MAIWASAN.

“IPAALALA KO ULIT NA  MAHALAIN ANG BAWAT SARILI NATIN AT ALAGAAN NG MABUTI ANG ATING KALUSUGAN.

“AT HIGIT SA LAHAT HUWAG NATING KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI SA BAWAT TAKBO NG ATING BUHAY.MANALANGIN.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: