Paglindol sa Batangas at kalapit-probinsya, nahulaan nga ba ni Rudy Baldwin?

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Calatagan, Batangas ngayong 4:49 ng umaga, July 24.

Naramdaman din ang nasabing lindol sa ilang kalapit na probinsiya.

Agad na naging trending topic sa social media ang nasabing lindol.

Ngunit kasabay ng pagiging trending topic ng lindol ay ang pag-trend din ng pangalan ng kilalang psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ilang netizens kasi ang nakaalala ng isang Facebook post ng nasabing psychic.

Sa official Facebook account ni Baldwin ay may nabanggit ito noong isang araw lamang.

Ayon sa kanyang pangitain, tatlong lindol umano ang tatama sa Manila o Metro Manila.

“ME TATLONG LINDOL NA TATAMA SA MANILA O METRO MANILA.

“MAGING MAINGAT DAHIL ITO SA VISION KO AY BIGLA BIGLA ANG PAGYANIG NITO.

“NAE BAHAY AKONG NAKITA NA MAPINSALA NA HARAP LANG NG KALSADA.

“KUNG ITO AY HINDI MAAGAPAN ME BUHAY AKONG NAKIKITA NAAWALA.”

Maliban sa mga binanggit niyang paglindol, ilang sakuna pa ang sinabi niyang bahagi ng kanyang pangitain.

At dahil sa nangyaring paglindol kaninang umaga, muling lumutang sa social media ang nasabing post ni Baldwin.

Umani ito ng sari-saring reaksiyon mula sa publiko.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens hinggil dito.

Bagama’t marami ang nangamba at nag-alala dahil sa mga pangitaing ito, marami rin naman ang nagpaalala na walang sinuman ang maaaring makapagsabi kung kailan mangyayari ang mga sakuna na kagaya nito.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: