Pagpanaw ni Susan Roces, nahulaan ng psychic na si Rudy Baldwin?

Kasalukuyang ipinagluluksa ng Philippine showbiz ang biglaang pagpanaw ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Kinumpirma ng anak nitong si Senator Grace Poe ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement noong Biyernes, May 20.

Isang araw makalipas ito ay may ibinahaging post sa kaniyang Facebook page ang kilalang psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Sa nasabing post, ibinahagi niya ang screenshot ng isang post ng kaniyang follower at nilagyan niya ito ng caption na “R.I.P MY IDOL.”

Mababasa sa screenshot ang obserbasyon ng follower ni Rudy na nahulaan umano nito ang pagpanaw ng beteranang aktres.

Ayon umano sa isa sa mga visions ng psychic, “isang beteranang aktres ang mamamaalam sa ating mundo na ginagalawan. Tama at eksakto na ito ay aktibo pa sa isang teleserye na napapanood natin sa pang-araw-araw na pamumuhay nating mga tao.”

Mapapanood ang sinasabing prediksyon ni Rudy Baldwin dito.

Agad itong umani ng komento ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Palagi namang general ang mga hula ni Rudy Baldwin. Talagang may matityempuhan tapos madali na lang sabihin na nahulaan nga niya”

”Lahat na lang nahulaan nyan?”

”Kapag oras mo na, oras mo na talaga.”

”Eto na naman tayo sa mga hula-hula na yan.”

”Amdami pa rin palang naniniwala sa mga hula-hula niyan?”

”Talagang oras na ni Miss Susan. Walang kinalaman yang mga hula na yan.”

”Kesyo nahulaan daw yung ganito yung ganyan. Eh bakit di nya hulaan ang mananalo sa lotto para yumaman na sya? Hehe”

”Ako lang ba yung di talaga naniniwala sa mga ganyan-ganyan?”

”Nung bata ako, naniniwala ako sa mga ganyan-ganyan, pero ngayong matanda na ko? Minsan na lang. Haha”

”Nakakakilabot pag iisipin mong nagkakatotoo pero alam naman nating hind talaga totoo. Haha”

”Pasikat na naman si ateng psychic.”

”Com’on guys, 2022 na! May naniniwala pa rin sa ganyan?”

”Ang sabi lang niya babaeng celebrity. So, matatapat talaga na may ganyan at iisipin naman ng mga tao na nagkatotoo nga. Haha”

”Di naman niya nahulaan nang eksakto.”

”Hayaan na lang natin ang mga naniniwala sa ganito. Walang basagan ng trip. Haha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: