Coco Martin at Angel Locsin, magsasanib-pwersa sa isang teleserye?

Usap-usapan sa social media ngayon ang bali-balitang pagsasama sa isang ABS-CBN teleserye nina Coco Martin at Angel Locsin.

Sa isang post ng Facebook fan page na Kapamilya World, ibinahagi nila ang tungkol sa umano’y posibleng pagbabalik-teleserye ni Angel.

“Kumakala’t ngayon ang bali-balitang may nilulutong proyekto ang ABS-CBN para kay Kapamilya Action Drama Queen Angel Locsin para sa kanyang big comeback sa Primetime.

“Ayon sa ating source gusto ng ABS-CBN na mas mapalakas pa ang mga programa nito sa Primetime , kaya kung mangyari isang back to back ang pasabog gabi-gabi kung isang bigating programa pa ang nakahilira para sa Primetime ng Kapamilya Network.

“Matatandaan na magtatapos na ang pambansang teleserye ng bayan na ang FPJ’s Ang Probinsyano at papalitan ito ng Darna the tv series ni Jane De Leon na magsisimula na ngayong Agosto.”

Bagama’t wala pang kumpirmasyon, ikinatuwa ng ilang Kapamilya fans ang nasabing usap-usapan.

Huli pang napanood sa isang teleserye si Angel sa The General’s Daughter noong 2019.

Ang pinakahuli naman niyang television show ay ang public service show na Iba ‘Yan noong 2020.

Samantala, si Coco Martin naman ay patuloy na napapanood sa nalalapit na pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: