AJ Raval, nabuntis ni Aljur Abrenica?; Manager ni AJ, nag-react

 

Nag-react ang manager ng aktres na si AJ Raval tungkol sa mga bali-balitang buntis daw ang aktres.

Ilang linggo na rin kasing usap-usapan na buntis umano ang aktres at si Aljur Abrenica ang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

Hanggang sa ngayon ay wala pang opisyal na kumpirmasyon sa relasyon nina AJ at Aljur ngunit inamin na ng aktres dati na nasa ligawan stage na sila ng aktor.

RELATED STORIES:

Kamakailan ay lumabas sa isang article sa Bandera na kumakalat na nga ang tsismis tungkol sa pagbubuntis ni AJ.

Maging sa social media ay lumutang ang nasabing tsismis at patuloy itong pinag-usapan ng mga netizens.

Dahil dito, nagbigay na nga pahayag ang manager ng aktres na si Jojo Veloso.

Mariing pinabulaanan ng manager ang tsismis.

“Hindi ah, nasa shooting nga siya ng ‘Sitio Diablo’, sino nagsulat?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

Ang Sitio Diablo ay ang pelikula ni AJ sa Viva Films kasama si Kiko Estrada.

Isa itong action movie at marami umanong fight scenes dito si AJ.

Ito raw ang magpapatunay na walang katotohanan ang kumakalat na balitang buntis nga ito.

Pagkatapos naman ng pelikulang ito, uumpisahan na rin kaagad ni AJ ang isa pang pelikula kasama naman sina Diego Loyzaga at Angeli Khang.

Maging ang showbiz columnist na si Lolit Solis ay nagbigay na rin ng reaksiyon tungkol sa nasabing issue.

Aniya, kung totoo man ang balita ay siguradong wala nang pagkakataon pang magkabalikan sina Aljur at ang asawa nitong si Kylie Padilla.

Matatandaang itinanggi ni Kylie na si Aj ang naging third party sa hiwalayan nila ni Aljur.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: