Kris Aquino, biktima nga ba ng kulam kaya hindi gumagaling sa sakit?

Sa vlog ni Aiko Melendez sa kaniyang YouTube channel, nakapanayam niya ang tarot reader na si Jovi Vargas.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang kondisyon ngayon ng TV host-actress na si Kris Aquino.

RELATED STORIES:

Hindi umano naniniwala ang tarot reader na nakulam si Kris gaya ng ispekulasyon ng ilang netizens.

“’Yung friend natin si Kris na naging paborito rin niya tayo. Para sa akin mas tutukan na lang niya muna ‘yung health issue niya kaysa sa makialam pa siya sa mga isyu ng politics, sa showbiz.

“Mas gusto kong bigyan niya muna ng panahon ‘yung katawan niya although hindi ko naman maiaalis kung maniniwala sila o ang iba tao na kahit ako kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabing nandoon daw siya sa sitwasyon na kulam.”

Nang tanungin siya ni Aiko kung nakulam ba si Kris ay ito ang naging tugon niya.

“Well, sakit naman talaga hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya, eh.

“Lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris, e, magdasal, malaking tulong ang dasal talaga saka kailangan niya talagang huwag magpa-stress, ‘yan ang pinakaimportante.”

RELATED STORIES:

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: