Tambalang Enrique Gil at Liza Soberano, magpapahinga muna

”Wala munang LizQuen projects as of the moment.”

Ito ang naging pahayag ng Kapamilya actor na si Enrique Gil tungkol sa love team nila ng kasintahang si Liza Soberano.

RELATED STORIES:

“Pero darating po ‘yan, promise. Gusto ko muna i-follow ni Hopie ‘yung dream niya mag-Hollywood, mag-US.

“Alam mo, kung mahal mo ‘yung tao, kahit anong gusto niyang gawin, susuportahan mo talaga.

“Wala munang LizQuen projects as of the moment kasi busy pa ‘yung baby ko.”

Matatandaang kamakailan ay lumipat na ng management si Liza sa kampo ni James Reid.

Ito ay upang matutukan ng aktres ang pangarap nitong makapasok sa Hollywood.

Huling napanood ang tambalang LizQuen sa ABS-CBN teleserye na Make It With You.

Hindi na nga lamang natapos ang nasabing series dahil na rin sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Simula noon ay pansamatala na ring nagpahinga sina Enrique at Liza sa telebisyon man o sa pelikula.

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nang ianunsiyo ang pag-alis ni Liza sa pangangalaga ng managaer niyang si Ogie Diaz para lumipat sa management company ni James.

Pormal na rin siyang ipinakilala bilang bagong talent ng Careless Music at inihahanda na umano ang kaniyang unang recording.

Sa kabila ng paglipat ng manager ni Liza, sinabi naman niyang mas pipiliin pa rin niyang gumawa ng proyekto sa Kapamilya network.

Samantala, si Enrique naman ay nakipag-meeting na kamakailan sa ilang ABS-CBN executives para sa kaniyang comeback project matapos ang dalawang taong pamamahinga.

At dahil magkahiwalay na nga ng landas ang dalawa pagdating sa kanilang career, hindi muna mapapanood nang magkasama ang tambalang LizQuen.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: