Kris Aquino, ipinagdadamot umano ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa kanilang mga ama?

“Sa tanong mo Kris sa nakaraan naming episode kung kasalanan mo pa rin ba na hindi kinokontak si Josh at si Bimby ng kanilang mga tatay, hindi namin kayang sagutin ‘yun.”

Ito ang bahagi ng naging pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang show na Showbiz Now Na.

RELATED STORIES:

Napag-usapan nina Cristy, kasama ang kaniyang co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio, ang tungkol sa mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby.

Ibinahagi ni Cristy ang kaniyang pananaw kung bakit hindi umano nakikipag-commuicate kay Kris sina Philip Salvador at James Yap.

“Dapat ay ibalik namin sa iyo ang tanong kung bakit nga ba hindi kumokontak si Kuya Ipe at si James sa mga anak n’yo.  ‘Yun dapat, siya dapat ang sumagot.

“Bakit daw hindi kumokontak sina Philip Salvador at James Yap sa kanilang mga anak na sina Josh at Bimby samantalang alam naman daw ang number niya.

“Nagbigay po si Kris ng mga pangalan na pareho nilang kilala ni kuya Ipe at ni James pero sa kabila ng lahat ay wala man lang pangungumusta ang dalawang tatay ng kanyang mga anak.”

RELATED STORIES:

“Meron akong nakausap na source na talagang hindi puwedeng gawin iyon ni James Yap kasi nga ‘yung mga naganap nu’ng una buhat nang magkahiwalay sila (ni Kris), ang usapan kasi sa korte may visitation rights itong si James ‘Yap kay Bimby.”

Hindi raw ito natupad ayon kay Cristy.

”…Kasi kapag tumatawag daw si James doon sa yaya ni Bimby ay sinasabi pala sa kanya na, ‘ay hindi po kami puwede, hindi ninyo puwedeng kunin si Bimby may nauna na po kaming pupuntahan,’ parating ganu’n.”

Ipinagdadamot umano ni Kris kay James si Bimby na hindi lamang isang beses nangyari.

’Yung kay kuya Ipe naman talagang hindi mamatamisin na kumontak sa kanya o kay Josh.

“Naalala mo ‘yung nakaraan pang eleksyon, 2016 pa na kapag ipinakikilala siya ni Senator Bong Go, ‘ang kabiyak dapat ni Kris Aquino na hindi natuloy’ mga ganu’n-ganu’n, pinagbintangan pala si kuya Ipe na siya ang utak ng lahat ng ‘yun.

“(Ayon raw ni Kris), ‘Hindi mo man lang kami bigyan ng proteksyon ng anak mo samantalang ganito, ganyan, maraming isyu.

“Na minsan daw si Josh at si Bimby ay nag-uusap at narinig daw niya (Kris) na may sinasabing ‘palit-ulo.’  Hindi raw niya maintindihan kung ano ‘yung palit-ulo. Tinanong ko kay kuya Ipe tungkol sa palit-ulo thing na ‘yan at wala rin siyang alam.”

Simula raw noon ay hindi na nagkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga anak sina Philip at James.

“Kung lagi kang napapahiya nanaisin mo pa bang tumawag ulit para mapahiya ka na naman, may pride naman ang bawat tao, di ba?”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!