Kris Aquino, pinayuhan ni Lolit Solis na tumahimik na lang

“Mas mabuti para kay Kris Aquino ang tahimik lang.”

Ito ang naging payo ng showbiz columnist na si Lolit Solis kay Kris Aquino tungkol sa kalagayan nito ngayon.

RELATED STORIES:

Hindi raw maintindihan ni Lolit kung bakit marami pa ring negatibong komento na natatanggap si Kris sa kabila ng pinagdadaanan nito ngayon.

”Ewan ko naman bakit may mga bashing parin natatanggap si Kris Aquino Salve.

“Sa kalagayan niya ngayon na nasa ibang bansa na nga para magpagamot dapat siguro sa kanya medyo tahimik na lang para malayo sa intriga.

“Lalo na nga ngayon na meron siyang sakit, at nasa gitna ng political change kaya madalas mabanggit ang pangalan Aquino.”

Aniya, mas mabuti pa raw na harapin na lamang ni Kris ang pagpapagaling kaysa ang pagsagot sa mga intriga.

”Mas mabuti para kay Kris Aquino ang tahimik lang para hindi madamay sa usapan ang kanyang pangalan.

“Harapin niya muna ang pagpapagaling at saka na niya sagutin mga intriga.

“Hindi puwede sa sitwasyon niya ang ma stress o magkaruon ng anxiety.

“Pagaling ka Kris, stay safe. Marami parin nagmamahal sa iyo. Just relax😘”

RELATED STORIES:

Ikinatuwa naman n gilang tagahanga ni Kris ang pagsuportang ito ni Lolit.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Good job ka dyan, Lolit. Hindi kagaya nung isang Marites mong kaibigan na panay pa ang intriga kay Kris.”

”Amen to that! Mas dapat nga mag-focus si Kris sa pagpapagaling.”

”I agree. Deadma na muna sa mga bashers.”

”Get well soon, Kris. Deadma na sa mga kuda nang kuda gaya ni Cristy.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: