CONFIRMED! Sarah Geronimo, magbabalik na sa ‘ASAP Natin ‘To’

Kumpirmado na ang pananatili bilang Kapamilya ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Sa teaser na inilabas ng ASAP Natin ‘To, natuldukan na ang bali-balitang lilipat na umano si Sarah sa kalabang istasyon.

RELATED STORIES:

Naging usap-usapan kasi kamakailan ang umano’y paglipat ni Sarah sa GMA-7 upang maging bahagi ng napabalitang paglipat rin ng The Voice Kids.

Isa siya sa mga original coaches ng nasabing singing contest na unang umere sa ABS-CBN.

Naging usap-usapan rin sa social media ang umano’y pagtanggi ni Sarah sa alok ng Kapuso network na PhP 800 million kapalit ng five-year exclusive contract sa kanila.

Ayon sa usap-usapan, mas pinili umano niya ang once-a-month appearance sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Bahagi na si Sarah ng ASAP simula noong 2004 hanggang sa pansamantala siyang magpahinga noong nakaraang taon.

Sa teaser na inilabas sa social media account ng show, nakalagay ang mga salitang:

”The long wait is over. She’s back. Soon.”

Wala pang eksaktong detalye kung kailan ang pinakaaabangang pagbabalik niyang ito.

Panoorin ang kabuuan ng nasabing teaser dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: