Sarah Geronimo, nalalapit na ang pagbabalik sa ‘ASAP Natin ‘To’

Kung ang tweet ng ABS-CBN writer na si Darla Sauler ang pagbabasehan, tila malapit na ngang bumalik si Sarha Geronimo sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.

Wala mang binanggit na pangalan sa tweet ang nasabing writer, mabilis naman ang netizens sa panghuhula kung sino ang tinutukoy niya.

RELATED STORIES:

“July na. Sino ma-birthday ng July? Miss ko siya so much.”

July 25 ang birthday ni Sarah kung kaya naman agad na nag-react ang kaniyang mga tagahanga na matagal nang kinasasabikan ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Sa isa pang tweet ni Darla, may tatlong emoji lamang na tila clue sa unang tweet.

“👑🔙🔜”

Mahigit isang taon na kasing ‘absent’ si Sarah sa ASAP at mula noon ay pansamantala na rin siyang naging inactive sa TV.

Kamakailan lang ay umugong ang usap-usapan ng paglipat niya sa GMA Network kasama ang asawang si Matteo Guidicelli.

RELATED STORIES:

Itinanggi naman ng isang source na malapit kay Sarah ang nasabing balita at sinabing malapit na itong bumalik sa ASAP.

Lumutang din ang usap-usapan na tinanggihan umano ni Sarah ang alok na PhP 800 million ng GMA Network kapalit ng five-year exclusive contract.

Mas pinili umano niya ang manatiling Kapamilya at bumalik sa Sunday musical variety show.

Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo niya tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: