Sarah Geronimo, tuloy na ang paglipat sa GMA-7 kasama si Matteo Guidicelli?

Maugong ang usap-usapan tungkol sa paglipat umano ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bakuran ng GMA-7.

Ayon sa kumakalat na balita, naka-set na umanong makipag-meeting ang Viva at ang mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli sa pamunuan ng Kapuso network.

Ang Viva, sa pamamagitan ni Boss Vic Del Rosario, ang kasulukuyang namamahala sa career ng mag-asawa.

Matatandaan na noong November 2021 ay kinumpirma ni Boss Vic na mananatiling Kapamilya si Sarah.

Nagkataon lang na pansamantala itong namahinga pagkatapos ikasal kay Matteo at dahil na rin sa kasagsagan ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

“Regular naman iyong latag ko ng plano sa kanya. Siyempre, ngayon ang kaibahan, tamad na siya mag-work.

“Last year was more of a honeymoon stage siguro sa kanya.

“Hinayaan ko, kasi that was the time na pwede siyang magluto, she was making a lot of the decisions on her own. Ngayon regular ang exercise, ang ganda ng katawan, mas may time siya doon. Nadadala naman ni Matteo.”

Sinabi rin noon ni Boss Vic na nakatakda ang pagbabalik ni Sarah sa ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To noong January 2022.

“Next year siguro (2022), sabi ko, mas magtrabaho na siya dahil medyo mahaba na, medyo relaxed siya. Takot din kasi siyang magkasakit, di ba? So, na-busy sa pagluluto at saka sa pagbe-bake.”

“Oo. Iyon kasi, parang hinahanap din niya iyong quality ng production, ang hirap kung parati na lang Zoom Zoom. Ngayon sigurong January (2022).”

As of this writing, hindi pa rin natutuloy ang sinasabing pagbabalik ng Kapamilya singer.

Kamakailan lang din ay napabalita na isa si Sarah sa mga magiging hurado sa season 2 ng ABS-CBN show na Idol Philippines.

Sa hindi pa malamang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Mas lalo tuloy naging matunoy ang balita ng napipinto niyang paglipat ng network.

Matatandaang bago siya nakilala nang husto sa larangan ng telebisyon at pelikula ay una na siyang napanood sa GMA-7.

Ito ay matapos siyang manalong champion sa Star for A Night noong 2002.

Naging bahagi siya ng musical variety show na SOP noong 2003 bago siya tuluyang lumipat sa ABS-CBN noong 2004.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: