Bea Alonzo, bitter pa rin sa panggo-‘ghosting’ ni Gerald Anderson

”Parang ang bitter naman ni Bea Alonzo sa ghosting sa kanya ni Gerald Anderson.”

Ito angbagong banat ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa Kapuso star na si Bea Alonzo.

RELATED STORIES:

May kinalaman ito sa isang interview kay Bea kung saan nabanggit niya na isa lang naman ang ayaw niyang ex-boyfriend.

Wala man siyang binanggit na pangalan ay hinulaan ng netizens na si Gerald Anderson ang tinutukoy niya.

Sa Instagram post ni Lolit, sinabi niyang bitter pa rin si Bea sa panggo-ghosting noon ni Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

RELATED STORIES:

Naniniwala ang kolumnista na may dahilan kung bakit nagawa iyon ni Gerald.

”Siguro naman hindi gagawin iyon ni Gerald kung walang dahilan. Dalawang beses daw ginawa ni Gerald, ibig sabihin ganuon nga kalaki ang love ni Bea kay Gerald.

“At ibig sabihin kahit love na love niya si Gerald, hindi siya minahal nito ng ganuon kalaki.

“So ang meron mali kay Bea Alonzo, bakit kahit ano gawin niya, wala lang, iniiwan lang siya.

“Imagine mo ipagpalit ka sa mas bata at mas maganda Julia Barretto, parang talo ang Bea Alonzo di ba ?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

“Ibig sabihin mas may something special kay Julia Barretto at wala nito si Bea Alonzo ?

“Sakit naman nuon, magiging stigma sa life mo na isipin pinagpalit ka at ghosting pa ha.

“Bongga ang Gerald Anderson, iniiwan lang basta basta ang isang Bea Alonzo. How painful naman huh huh huh”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: