Usap-usapan ngayon sa social media ang balita ng pagtanggi umano ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa offer ng GMA Network.
Ayon sa balita, hindi raw kinagat ni Sarah ang offer na 800 million pesos kapalit ng limang taon na exclusive contract sa Kapuso Network.
Sa isang show sa 106.7 EnergyFM, napag-usapan ang tngkol sa sinasabing offer ng GMA-7.
Tinanggihan umano ito ni Sarah at mas pinili na manatiling Kapamilya.
RELATED STORIES:
- Balitang paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA-7, fake news ayon sa isang source na malapit sa kaniya
- Walang iwanan? Lumang statement ni Sarah Geronimo tungkol sa ABS-CBN, nag-viral
Ito ay sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN network.
Napag-usapan din ang pagbabalik ni Sarah sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.
Ayon sa mga hosts ng show, umaabot umano ng dalawa hanggang tatlong milyong piso ang talent fee ni Sarah sa bawat paglabas sa ASAP.
RELATED STORIES:
Naging maugong kamakailan ang usap-usapan ng paglipat ni Sarah sa GMA-7 kasabay rin umano ng pag-ere ng The Voice sa Kapuso network.
Ang The Voice ay ang singing competion na unang napanood sa ABS-CBN noong 2013 kung saan isa si Sarah sa mga original coach.
Pinabulaanan naman ng entertainment website na pep.ph ang nasabing balita.
“Simula sa July 2022, isang beses sa isang buwan na mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.”
Hindi rin umano magiging regular ang partisipasyon ni Sarah sa nasabing Sunday show.
Sa kasalukuyan raw ay abala ito sa recording ng kaniyang mga bagong kanta para sa isang bagong album.
Maliban dito, tila nawiwili rin ang singer-actress-host sa pagiging maybahay ni Matteo Guidicelli.
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily