Annabelle Rama at Cong. Rowena Guanzon, may ‘bardagulan’ nga ba sa social media?

Palaisipan sa netizens kung may namumuo nga bang ‘bardagulan’ sa social media sa pagitan nina Annabelle Rama at Cong. Rowena Guanzon.

Ito ay matapos ang halos magkasunod nilang Facebook posts ngayong araw, July 11.

RELATED STORIES:

Nauna ang post ni Annabelle kung saan ipinagtanggol niya ang anak na si Ruffa Gutierrez sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon.

Wala siyang binanggit na pangalan sa nasabing post.

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites??

“Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo.

“Baka gusto mo mapasali sa MAID IN MALACANANG kaya ka nagpapapansin??”

Di naman nagtagal ay may post na rin si Cong. Guanzon sa kaniyang Facebook account.

”Wait lang dayy!!”

Wala rin siyang binanggit na pangalan ngunit kapansin-pansin ang paggamit din niya ng “day”.

Para tuloy sa ilang netizens, tila sagot ito sa patutsada ni Annabelle.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Ruffa sa kontrobersiya nang lumutang ang isyu ng umano’y pagpapalayas sa dalawang kasambahay.

Sa isang tweet, direkta itong tinanong ni Cong. Guanzon tungkol sa nasabing isyu.

“Ms Ruffa Gutierrez is [it] true?

”My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first claess village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

Sinagot naman ni Ruffa ang nasabing tweet at itinanggi ang katotohanan ng balita.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

Sunod-sunod din ang naging reply niya sa tweet upang magpaliwanag.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako.

“They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years.

“We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga.

“My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

One thought on “Annabelle Rama at Cong. Rowena Guanzon, may ‘bardagulan’ nga ba sa social media?

  1. Lakas loob yang mag ina na yan kase BBM sila,tingnan nlang natin,mag inang balasobas…Best actress award nga inis cam nyo,sahud Pa kya nG kawawang mga kasambahay nyo??? Karma is rial…👹👹👹

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!