Muling binalikan ng netizens ang mga lumang pahayag ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo tungko sa home network niyang ABS-CBN.
Ito ay sa gitna na usap-usapan ng umano’y paglipat niya sa GMA network.
Ilang araw nang pinag-uusapan na malaki umano ang posibilidad ng pagbalik niya sa Kapuso network kung saan siya nagsimula matapos siyang manalong grand champion sa Star for a Night noong 2002.
Napapabalita sa social media na nabili na umano ng GMA-7 ang airing rights ng singing competition na The Voice kung saan isa si Sarah sa mga coaches.
Dahil dito, muling nag-viral ang statement ni Sarah tungkol sa pagiging Kapamilya.
Lumabas ito sa kasagsagan rin ng bali-balitang paglipat niya ng network noong July 2021.
“Mga kapamilya, nandito pa rin ang ating pamilya dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa’t isa.
“Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinapatunayan na ang magkapamilya, hindi nag-iiwanan.
“Mahal na mahal po namin kayo.”
Ilang beses na ring lumabas ang usapin ng paglipat ni Sarah lalo na at pansamantala siyang tumigil muna sa paglabas sa ABS-CBN Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.
Matatandaang isa rin si Sarah sa mga naging vocal ang suporta sa Kapamilya network noong kasagsagan ng usapin ng franchise renewal ng istasyon.
“Ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses ma sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inaalagaan mang husto na parang kanilang sariling ‘anak’ o homegrown talent.
“Bagamat napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon.
“Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.
“Nakikiisa po ako sa aking apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makakapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa.
“Magkaisa po tayo para sa ating mahal na bansang Pilipinas. Magkaisa po tayo. Magkaisa po tayo para sa ‘ting kapwa.”
As of this writing, wala pang kumpirmasyon kung matutuloy na ang paglipat niya ngayon ng network.
* * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily