Balitang paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA-7, fake news ayon sa isang source na malapit sa kaniya

Ilang araw nang usap-usapan sa social media ang umano’y napipintong paglipat ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bakuran ng GMA Network.

Lumutang rin ang balita na nabili na umano ng GMA-7 ang franchise ng singing competition na The Voice na unang umere sa ABS-CBN noong 2013.

Isa si Sarah sa original coach ng nasabing komeptisyon kung kaya naman napabalita rin na kasama ng paglipat umano ng singing competition sa GMA ay ang paglipat din niya ng network.

Kung tutuusin ay hindi naman na bago sa kaniya ang pagiging Kapuso dahil dito siya unang napanood matapos siyang manalo sa singing competition na Star for a Night noong 2002.

Lumipat lamang siya sa ABS-CBN noong 2004 at nagsimulang mapanood sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.

Sa kumalat na balita ng umano’y paglipat niya, nanatiling tikom ang bibig niya tungkol sa issue.

Maging ang Kapuso Network ay wala pang official announcement kung totoo nga na ieere na sa kanila ang nasabing singing competition.

Pati si Xian Lim na pinangalanan na magiging host ng programa ayon sa kumalat na usap-usapan ay itinanggi ang katotohanan ng balita.

Samantala, tila tinuldukan naman ng isang malapit kay Sarah ang nasabing balita ng paglipat niya sa Kapuso Network.

Ayon sa ulat ng entertainment website na pep.ph, sinabi ng kanilang source na wala umanong mangyayaring lipatan dahil mananatiling Kapamilya si Sarah at malapit na itong bumalik sa ASAP Natin ‘To.

Ayon sa pep.ph:

“Simula sa July 2022, isang beses sa isang buwan na mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.”

Hindi rin umano magiging regular ang partisipasyon ni Sarah sa nasabing Sunday show.

Sa kasalukuyan raw ay abala ito sa recording ng kaniyang mga bagong kanta para sa isang bagong album.

Maliban dito, tila nawiwili rin ang singer-actress-host sa pagiging maybahay ni Matteo Guidicelli.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: