Sarah Geronimo, mananatiling Kapamilya

Hindi totoo ang balita na lalayasan na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang ABS-CBN para mag-host ng isang boyband search sa TV5.

Ito ang kinumpirma mismo ng Viva big boss na si Vic Del Rosario, ngayong araw, March 1.

Lumutang kasi ang bulung-bulungan na si Sarah nga ang magiging host ng pinakabagong show sa TV5 matapos lumabas ang teaser ad nito.

Ang paliwanag ni Boss Vic:

She is still exclusive with ABS-CBN and the only time she appears on TV5 is when she comes out on ASAP Natin ‘To.

Ipinaliwanag din niya na si Sarah ang endorser ng telecom company na major sponsor ng bagong show ng Kapatid network.

Sarah appears only as an endorser in the show and she is not the host.

Aniya, ang paglabas ni Sarah sa teaser ad ay bahagi ng kontrata nito bilang endorser ng nasabing telecom company.

Binigyang-linaw din niya na ang tanging istasyon ni Sarah ay ang ABS-CBN, at ang weekly musical variety show na ASAP Natin ‘To naman ang kaniyang programa.

Sa kasalukuyan ay napapanood din ang ASAP Natin ‘To sa TV5 dahil sa blocktime agreement ng ABS-CBN at TV5.

Inaasahang muli siyang babalik sa show sa mga susunod na linggo para mag-promote na kaniyang concert.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: