Ruffa Gutierrez, nagsalita na sa isyu ng pagpapalayas umano sa dalawang kasambahay

Sumagot na ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa isyu ng pagpapalayas umano niya sa dalawang kasambahay.

Nadawit ang pangalan ng aktres sa isyu nang direkta siyang tanungin ni dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon tungkol sa nasabing isyu.

Nag-tweet si Guanzon at tinanong ang aktres kung totoo ang isyu.

“Ms Ruffa Gutierrez is [it] true?

”My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first claess village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

RELATED STORY:

Ruffa Gutierrez, dawit nga ba sa isyu ng pagpapalayas umano sa dalawang kasambahay?

Sinagot naman ni Ruffa ang nasabing tweet at itinanggi ang katotohanan ng balita.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

Sunod-sunod din ang naging reply niya sa tweet upang magpaliwanag.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako.

“They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years.

“We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga.

“My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

As of this writing, wala nang naging sagot si Guanzon tungkol dito.

Kagabi, July 7, ay nag-post rin siya sa kaniyang Facebook account at sinabing ipaglalaban ang mga nasabing kasambahay.

Aniya, “Marangal ang trabaho ng isang kasambahay. Sila ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating mga tahanan. Nakakagalit! Ipaglalaban ko kayo!”

Sa isang tweet, tinawag niya ang pansin ni PAO Chief Persida Acosta.

”Calling PAO chief Persi Acosta. 2 household helpers from Kabankalan Negros Occ were thrown out of Ayala Alabang tonight by their employers without paying their salaries. My friend had to rescue them #mgawalangpuso.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: