Isang malaking sorpresa ang official announcement tungkol sa Tala: The Film Concert ni Sarah Geronimo na may world premiere ngayong March 27, 2021.
Nagulat ang kaniyang mga tagahanga at supporters na mas kilala bilang ‘popsters’ dahil inakala nilang nagpapahinga pa ito pansamantala dahil ilang linggo na rin siyang hindi napapanood sa ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN. Sabi nga ni Regine Velasquez sa nakaraang episode, maaaring ini-enjoy muna ni Sarah ang buhay-misis kasama si Matteo Guidicelli.
Ayon sa Viva Artists Agency, ang Tala: The Film Concert ang “the biggest concert experience of the year.”
Ang direktor ng mga nakaraang concerts ni Sarah na si Direk Paul Basinilio ang direktor din ng concert na ito.
Ayon kay Direk Paul:
Tala The Film Concert is inspired by the success of Sarah through the years, especially ‘yung kaniyang super viral hit song na ‘Tala’ na isinulat ni Nica del Rosario na originally a slow to mid-tempo song.
Then Sarah revised it to make the song danceable, and the rest is history. Currently, Tala has 170 million views already in YouTube.
Dagdag pa ni Direk Paul:
Tala, I would say is an online concert like we haven’t seen before. We made it like it’s an actual show meant for a live audience pero streamed siya sa ktx.ph.
It has narrative as well that talks about Sarah’s journey and how we prepared for the show. The advantage is more people can get to watch it because of the worldwide premiere.
Available na ang tickets simula bukas, February 19. Php 1,500 ang regular tickets, samantalang Php 3,000 naman ang VVIPs.