Cristy Fermin, nagkomento sa balitang naghihingalo na umano si Kris Aquino

Nagbigay ng reaksiyon ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino.

“Ang tanong ng bayan, napabalita kasi bago siya naglabas ng kanyang opisyal na pahayag, na naghihingalo na siya. Yun ang napabalita eh.”

“Ako, lagi kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin, hindi totoo. Okay siya.”

Ito ang naging pahayag ni Cristy tungkol sa kumakalat na balita na umano’y naghihingalo na si Kris na kasalukuyang nagpapagamot sa Amerika.

Sa kaniyang online show na Showbiz Now Na!, pinag-usapan nila ng co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio ang kalagayan ngayon ng TV host-actress.

RELATED POSTS:

Pinag-usapan nila ang pagkalat ng balita at nilinaw na wala itong katotohanan.

“Dahil may kaibigan ako… lagi silang magkausap ni Kris pero hindi ko pwedeng ilabas at hindi rin niya pwedeng ilabas yung pinagkukwentuhan nila.

“Pero she’s okay. Ngayon kung hindi okay, kaya ba niyang buuin yung ganung kahaba na sulat kay Pnoy at tsaka yung kanyang official na pahayag, di ba?”

RELATED POSTS:

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang Instagram post ni Kris kung saan ito nagbigay ng updates sa kalagayan ng kalusugan niya sa ngayon.

Sa nasabing post, ibinalita ni Kris ang pagpopositibo nilang mag-iina sa COVID-19.

“From now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok.

“Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me.

“In God’s perfect timing… 💛💛💛”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

One thought on “Cristy Fermin, nagkomento sa balitang naghihingalo na umano si Kris Aquino

  1. Ano kaya ang palagay ni Lolit sa sarili nya? Masyadong judgemental ka Lolit.. Parang ang talino mo ah.. 🤣

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: