Andrew E, hindi naniniwalang darating ang panahon na malalaos siya?

“Eh, hindi naman ako malalaos, alam mo kung bakit?! Hindi naman ako naging uso, eh!”

Ito ang naging tugon ng rapper na si Andrew E nang tanungin siya kung naniniwala siyang darating ang panahon na malalaos siya.

Mahigit tatlong dekada o tatlumpung taon na sa showbiz industry si Andrew E.

Sa interview sa kaniya ng entertainment website na pep.ph, tinanong siya kung bakit sa tingin niya ay tumagal siya sa indutriya.

Karamihan ng kasabayan nila ni Michael V ay hindi na aktibo sa showbiz ngayon.

“Well, maybe ano, ahh… puwede ba akong magbuhat ng bangko? OK, ano’ yan, e.

“Nagtanim kasi ikaw o nagpondo ka ng mabuting pangalan.

“Kasi, kahit anong galing mo, kung dinungisan mo ang pangalan mo, hindi ka magtutuloy. Hindi ka magtutuloy.

“Kaya noon pa man may nag-advise sa akin bago pa ako maging artista, bako ako maging popular na Andrew E., yun ang advice sa akin.

“‘Huwag kang tutuntong sa paniwalang ang magdadala sa ‘yo sa tagumpay ay masamang pangalan.’”

Naniniwala rin siya na hindi siya naging uso.

“Kanta ang naging uso, hindi ako!”

“Kasi, kung ako, naging uso, heto wait… Kung ako naging uso, dapat nagbilang ako ng commercial ko.

“Meron ba? My point is, kaya ka nga kinukuha to endorse is because you are helping another brand to put up.

“Your name will help the other brand to pick up. Why will they get me kung they will not be put up by my name?

“On second thought, nobody got me. Which means no one thought of putting their product together with me.

“Come on, minimum, lima. Sige nga… ang mga usong artista, magkabilaang kamay, bibigyan kita —limang endorsement.

“Limang artista, meron, tama? Hindi ako magkakamali. Tama? Ibig sabihin nun, sila yung nauso!

”Nauso kasi sila kaya another brand is getting them to promote, and be promoted…

“And it’s not you, you’re helping another brand who has a lesser name with you. Kaya nga ikaw ang kinukuha para to keep them up, e!

“Ang tanong, kukunin ka ba kung hindi ka uso?”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: