Throwback photos ni Kris Aquino, muling nag-viral sa social media

Muling lumutang sa social media ang ilang lumang larawan ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay matapos maging laman ng balita ang TV host-actress kamakailan dahil sa kalagayan ng kaniyang kalusugan sa ngayon.

RELATED STORIES:

Matatandaan na sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagbigay ng updates tungkol sa kaniyang kalusugan si Kris.

Dito niya ibinahagi ang pagpopositibo niya sa COVID-19, pati na rin ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Idinetalye rin niya ang pinagdadaanang pagpapagamot ngayon sa Amerika.

Base sa mga ibinhagi niyang larawan at video clips, kapansin-pansin ang pamamayat niya ngayon.

Malayong-malayo ito sa kinasanayan ng publiko na itsura niya lalo na noong aktibo pa ito sa mga talk shows at game shows sa telebisyon.

Ito marahil ang dahilang kung bakit tila kinaaliwan ng netizens ang mga lumang larawan na muling kumalat sa social media.

Narito ang ilan sa mga nasabing larawan.

RELATED STORIES:

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: