Vice Ganda, iniwan na ang ‘It’s Showtime’?

Kapansin-pansin ang ilang araw nang pagkawala ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Maging sa isang artikulo ng pahayagang Pilipino Star Ngayon ay lumabas ang report na umano’y walang paliwanag ang pagkawala ng TV host sa programa.

Palaisipan tuloy sa ilang netizens kung tuluyan na bang iniwan ni Vice ang nasabing programa.

Maliban sa kaniya, ilang araw na ring hindi napapanood doon ang boyfriend niyang si Ion Perez.

Sa kabila nito ay aptuloy pa rin naman ang paglabas ng ilang vlogs niya sa kaniyang YouTube channel.

Tanong ng ilang netizens, iiwan na bang tuluyan ni Vice ang kaniyang noontime show at magko-concentrate na lamang sa paggawa ng vlogs?

May kinalaman din daw kaya ito sa naging pahayag ni Vice kamakailan sa interview sa kaniya ni KaladKaren Davila?

Sinabi niya kasi doon na kontento na siya sa buhay niya ngayon at gusto na muna niyang i-enjoy ang buhay niya.

“Nando’n na ako sa stage ng life ko na okay na ‘ko, settled na ‘ko. Wala na ‘kong masyadong hinahanap.

“Wala kaming gusto pa. Yung dapat ganito pa, dapat ganyan. Okay na ko.

“Gusto ko na lang ng kalmang buhay, yun na lang ang pinapanalangin ko, gusto ko kalma ulit bukas.”

“Ine-enjoy ko ‘tong bahay ko. Ine-enjoy ko si Ion. Ine-enjoy ko yung sarili ko, yung pamilya ko, yung karera ko na matagal ko nang ipinanalangin, yung kinikita ko ngayon.

“Di ba kapag tinanong, gagawa ka ba ng movie? Para saan?

“Bakit hindi mo ginawa yung Idol Philippines? Para saan? Yun ang tanong ko, para saan?

“Bakit ko gagawin yung Idol Philippines? Pag nagawa ko yun, mangangarag na naman ako.

“Mababawasan kami ng oras ni Ion. Para dagdag kita? Para ano, para mas popular? Para saan?”

Hula naman ng ilang netizens, baka raw naghahanda na si Vice sa concert niya sa ibang bansa na gaganapin sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: